Mainit na tinanggap ng Western Command (WESCOM) si Air Marshal Stephen Chappell DSC CSC OAM, Australian Chief of Air Force sa kanyang official visit sa Camp Ricarte, Headquarters WESCOM, nitong Huwebes, August 28, 2025.
Si Air Marshal Chappell ay binigyan ng side boys’ honor at malugod na tinanggap ni WESCOM Commander Vice Admiral Alfonso F. Torres Jr., PN, kasunod ng isang courtesy call, kasunod ng isang executive session.

Ilan sa mga napag-usapan ng dalawang panig ay ang mga isyu may kinalaman sa security cooperation, maritime stability at iba pang strategic interest na nagbibigay-diin sa malakas at kooperatibong relasyon sa pagitan ng Australian Air Force at Pilipinas.
Binibigyang-diin din sa pagdalaw ni Chappell ang shared commitment ng bawat isa na palakasin ang defense cooperation, mapagbuti ang interoperability, at bumuo ng matibay na kakayahan sa pagharap sa mga karaniwang hamon ng seguridad sa rehiyon. l via Borgs Ibabao