Home News MALAKAS HANGGANG SA MABAGYONG PAG-ULAN, MARARANASAN SA PALAWAN NGAYONG WEEKEND

MALAKAS HANGGANG SA MABAGYONG PAG-ULAN, MARARANASAN SA PALAWAN NGAYONG WEEKEND

0
Inaasahan ang heavy to stormy rains (50-100mm) o malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin sa probinsya ng Palawan, kasama ang Occidental Mindoro Antique at Negros Occidental, gabi ng August 28 hanggang bukas ng gabi, Biyernes, August 29.
Ito ay base sa Weather Advisory No. 19 ng DOST-PAGASA, alas-11PM ng Huwebes, August 28, dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.
Sa Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi, August 30, heavy to stormy rains (50-100mm) pa rin ang aasahan sa Palawan at Occidental Mindoro.
Ang forecast rainfall ay maaaring mas mataas sa mga bulubunduking at matataas na lugar. Bukod dito, ang epekto sa ilang lugar ay maaaring mas lumakas dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Samantala, ang Tropical Depression “JACINTO” ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Exit mobile version