Home News BM RYAN MAMINTA, NANAWAGAN NG MABILIS NA IMBESTIGASYON AT HUSTISYA SA KASONG...

BM RYAN MAMINTA, NANAWAGAN NG MABILIS NA IMBESTIGASYON AT HUSTISYA SA KASONG PAGPASLANG KAY ATTY. ABRINA

0
Borgs Ibabao
Nanawagan nang mabilis na imbestigasyon sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), DepEd at iba ang law enforcement agencies si 2nd District Board Member Ryan Maminta para sa ikalulutas ng kasong pagpaslang kay Atty. Joshua Abrina.
Ito ang laman ng privilege speech ni Board Member Maminta sa 13th regular session ng Sangguniang Panlalawigan ngayong Martes, September 23.
“Hindi natin alam kung ano pero ang tanging motibong nakikita ko ay upang maghigante, magalit at higit sa lahat patahimikin si Atty. Joshua Abrina kasama na ang pagnanais na matakot at mangamba ang iba pang mga lumalaban sa maling gawa na ito”, ani Maminta.
Samantala, kinumpirma rin ng bokal na maraming nakikipag-ugnayan sa kanya, hindi lamang si Atty. Abrina na nagpapaabot ng pangamba dahil sa umano’y panggigipit matapos magsalita sa isyu ng item for sale.
Sa huli, hiniling din ni Board Member Maminta na kilalanin at bigyan ng pagkilala ng Provincial Board si Atty. Abrina gayundin ang pakikidalamhati sa naiwan niyang pamilya. l
Exit mobile version