Home News GOV. AMY ALVAREZ, NAKIPAGPULONG SA ILANG PRIVATE HOSPITALS SA PALAWAN; FINANCIAL AT...

GOV. AMY ALVAREZ, NAKIPAGPULONG SA ILANG PRIVATE HOSPITALS SA PALAWAN; FINANCIAL AT MEDICAL ASSISTANCE SA MGA PALAWEÑO, PABIBILISIN

0
Borgs Ibabao
Nakipagpulong sa ilang private hospitals sa lalawigan si Gov. Amy R. Alvarez ngayong araw ng Huwebes, September 25, 2025 sa layuning mapabilis at maging mas maayos ang proseso ng pagkakaloob ng pinansyal at medikal na tulong sa mga Palawenyo.
Kabilang sa mga nakausap ni Gov. Alvarez ang mga kinatawan ng Palawan Adventist Hospital, ACE Medical Hospital, Palawan Medical Mission Group Multipurpose Cooperative, Sagrado Hospital, Berachah Hospital at Leoncio Hospital.
Kasabay ng pulong, pinag-usapan din ang ilan pang mga detalye para sa lalagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Provincial Government at mga nabanggit na ospital sa pagnanais na maibigay ang nararapat na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng probinsya.
Isa sa mga prayoridad ng administrasyon ni Gov. Alvarez ang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) kaya lubos siyang nagpasalamat sa pagtugon at suporta ng mga ospital sa parangarap niyang mabigyan ng mabilis na tulong ang mga nangangailangan ng serbisyong medikal.
“Thank you very much to all of you. My number one goal [is] maayos ang lahat ng mga serbisyo sa ospital and hopefully next year, I can be able to add specialty centers”, pahayag ni Alvarez.
PIO Palawan
Exit mobile version