Nasagip na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda sa karagatang sakop ng Roxas Palawan, matapos ang ilang araw na palutang-lutang matapos magkaaberya ang kanilang bangkang pangisda dulot ng malalaking alon at malakas na hangin.
Ang mga mangingisda ay kinilalang sina Jovenal Josol, kapitan ng bangka, Roderick National, at Jocel Mercader, mga residente ng Aborlan, Palawan.

Matatandaan na nakahingi sila ng tulong sa Gabay Dagat ng LGU Roxas sa pamamagitan ni Chief Ed Agarap, kung saan nakapagmessage pa na ok sila sa laot ng Honda Bay kahapon, pero napadpad nga sa karagatan ng Roxas at doon na-rescue ng PCG. l via Romeo Luzares