
Joel Contrivida
Ang long-beach ng San Vicente, ang magiging venue ng ika-10 taon ng Swimjunkie Challenge na nakatakda sa Abril ng susunod na taon. Inaasahang nasa 150 to 200 ang sasali dito buhat sa ibat ibang panig ng bansa.
Ang Swimjunkie Challenge ang nag iisa at pinaka malaking open swimming competition sa Pilipinas, sinimulan ito ng dating national athlete swimmer na si Betsy Medalla. Ito na ang ikalawang beses na isinagawa ito sa Palawan, ang una ay sa El Nido.
Ang mga Category ng langoy ay nakabase sa edad, 10 yrs old to 19yrs old, 20-29, 30- 39 at pataas, ang mga langoy ay mula 2.5Km, 5Km hanggang 10Km. Ang rate para sa registration Fee ay nagsisimula sa P6K para sa 10Km swim. Open din ito sa mga local swimmer na gustong sumubok, may 15 slots sila na libre na ibibigay sa mapipiling taga rito na sasali, at may discount din.
Para sa local na pamahalaan ng San Vicente, excited na si Mayor Ramir Pablico dahil isa itong malaking bagay sa turismo ng kanyang bayan, handa rin sila sa anumang kakailanganin ng mga lalahok na swimmers.
Ang Swimjunkie Challenge 2026 sa Abril ay isang araw lamang na paligsahan, katuwang nila ang JB Music, JB Sports at The Hotel Elizabeth na siyang official accomodation.
Ginanap ang Memorandum of Agreement ng paligsahan nung Set 11 sa nasabing hotel, dinaluhan ito nina Mayor Pablico, Mam Medalla, Jerecho Fernando, CEO ng JB Music & JB Sports, Joel Fernando, CEO ng Fersal Hotel Group, Elizabet Salonga Fernando, Chairman of the board ng Fersal na siyang may ari ng Hotel Elizabeth.