Home News CONG. JCA SA PAGRERENEW NG PRANGKISA NG PALECO SA 2026, “HINDI NA...

CONG. JCA SA PAGRERENEW NG PRANGKISA NG PALECO SA 2026, “HINDI NA MAKAKALUSOT ‘YAN”

0
Borgs Ibabao
Nagpahayag na ng pagtutol si Palawan 2nd District Cong. Jose Pepito C. Alvarez sakaling mag renew pa ng kanilang prangkisa ang Palawan Electric Cooperative (PALECO) upang maging distribution facility.
Ito ang naging pahayag ni Cong. Alvarez sa Palawan Media noong September 13 kaugnay sa umano’y pag-iikot ng PALECO sa mga barangay upang mangalap ng suporta para maipagpatuloy pa ang kanilang operasyon sa Puerto Princesa City at sa mga bayan ng Aborlan at Narra, Palawan na ang prangkisa ay nakatakdang mag expire sa taong 2026.
Sabi ni Alvarez, sa tingin niya ay hindi na lulusot ang franchise renewal ng PALECO sa Kongreso lalo’t dito na umano ito magpapa-apruba at hindi na sa National Electrification Administration (NEA).
Sakaling hindi na payagang ma-renew, maaari naman daw ipagpatuloy pa ng PALECO ang serbisyo nito bagaman suhestiyon niyang dapat ay magkaroon na ng public and private partnership katulad aniya sa Coron na hindi halos nakararanas ng brownout.
Exit mobile version