Home News PUERTO PRINCESA AT PALAWAN MULING NAGTALA NG MARAMING KASO NG ROTAVIRUS.

PUERTO PRINCESA AT PALAWAN MULING NAGTALA NG MARAMING KASO NG ROTAVIRUS.

0
Romy Luzares
Muli na namang tinamaan ng Rotavirus ang Puerto Princesa at Palawan na umabot na sa 300, ngayong 2025.
Ito ay base sa data mula sa Center for Regional Epidemiology and Technology Enhancement, ng DOH Mimaropa.
Sa bilang na 300 ang sa Puerto Princesa ay 265, at ang nasawi naman sa sakit na ito ay isa mula sa bayan ng Sofronio Española at isa din sa bayan ng San Vicente, Palawan.
Ang Palawan lang sa rehiyon ng Mimaropa ang may ganitong kaso ng Rotavirus sa kasalukuyan, kung noong taong 2024 ay nagtala ang Palawan ng 324 na kaso at tatlo ang nasawi.
Ang Rotavirus ay nakakahawang impeksiyon na karaniwan sa mga sanggol at batang edad isa hanggang apat na taong gulang at kadalasang sintomas nito ay matinding diarrhea at dehydration.
Kaya pinapayuhan ng DOH Mimaropa ang ang mga magulang na kapag nakitaan nila ang kanilang anak ng sintomas na “matinding pagod, mataas na lagnat, pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagiging iritable, ay agad dalahin sa malapit na pagamutan/ospital upang agad malunasan ng hindi mauwi sa pagkasawi.
Exit mobile version