Nakapulot sa dagat ang apat na mangingisda ng hininalang Kush o high grade marijuana habang nangingisda sa karagatan ng Rizal Palawan.
Tinatayang nasa 11 kilos ang pinaghihinalaang Marijuana o “Kush”
Sa kuwento ng isa sa apat na mangingisda na si Alyas Panoy 50 taong gulang habang nangangawil sila kahapon ng alas tres ng hapon, Oktubre 16, nakita nila ang isang sako na may packing tape.
Agad nila itong kinuha at ng buksan tumambad sa kanila ang labing siyam na pakete ng Kush.
Pagdating sa tabi ay agad nila itong ibinigay sa mga pulis kung saan nakatakda itong isailalim sa pagsusuri ng Provincial Forensic Unit para narin alamin ang halaga ng high grade Marijuana o Kush.
via Romeo Luzares