Home Sports GOLD MEDAL, NAKUHA NG PALAWENO TAEKWONDO ATHLETE SA INDONESIA

GOLD MEDAL, NAKUHA NG PALAWENO TAEKWONDO ATHLETE SA INDONESIA

0
Joel Contrivida
Nakasungkit ng 1 Gold medal ang tubong Brgy. Irawan dito sa Puerto Princesa na si Sean Viking Yebes, sa Pugnator Yogyakarta Sport Tourism Taekwondo Open International Championship 2025 na ginanap nitong Oct 3, na sinalihan ng labing tatlong bansa.
Sa Kyourugi event nakipagtagisan si Yebes, naka dalawang laban sya bago nasungkit ang Gold medal, para ito sa 63 kilogram category.
Ang paglaban nya sa nasabing torneo ay dahil nakapasa siya sa selection process ng National Academy of Sports, kung saan Grade 11 scholar si Yebes ngayon.
Exit mobile version