Home News Mangingisda Nasawi Matapos Atakehin ng Buyawa sa Riotuba Bataraza Palawan.

Mangingisda Nasawi Matapos Atakehin ng Buyawa sa Riotuba Bataraza Palawan.

0

Wala ng buhay at pahirapan pa bago nakuha ang katawan ng mangingisda na inatake ng buwaya, dahil sa prisinisiya ng buwaya sa tabi ng biktima, naganap ang pagsakmal habang nasa bangka ang biktima sa Bgy. Riotuba Bataraza Palawan.

Ayon sa imbistigasyon ang biktima ay dayo lang sa Bataraza na mula sa bayan ng Taytay Palawan para mangisda at nakadaong sila para mag karga ng yelo.

Alauna ng madaling araw kahapon habang nakahiga sa gilid ng bangka ay bigla itong sinakmal ng buwaya sa ulo saka hinila sa bakawanan.

Alas singko bente na ng hapon kahapon Oktubre 15 nakuha ang katawan nito, kung saan hindi agad nalapitan ang biktima dahil sa prisinisiya ng buwaya na lumapa sa mangingisda.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan at ulo ang biktima ng maiahon sa bakawanan.

Kinilala ang nasawi na si Leonardo Casio 21 taong gulang.

Hindi ito ang unang pag atake ng buwaya sa lugar may ilang mangingisda narin ang nasakmal habang nag aayos ng kanyang lambat na nasawi din.

Patuloy ang paalala sa mga residente dahil bago ang pag-atake may buwaya na nakunan sa ilalim ng kabahayan, sa Tagdalungon, Riotuba kalapit na lugar kung saan nangyari ang ginawang pag-atake ng buwaya.

via Romeo Luzares

Exit mobile version