Home News NAG-INSPEKSYON ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN AT NIA, SA MGA IRRIGATION PROJECTS SA NARRA,...

NAG-INSPEKSYON ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN AT NIA, SA MGA IRRIGATION PROJECTS SA NARRA, PALAWAN,

0
Borgs Ibabao
Magkasamang in-inspeksyon noong nakalipas na Biyernes, September 12, 2025 ng National Irrigation Administration (NIA) at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang mga irrigation projects na kasalukuyang matatagpuan sa munisipyo ng Narra.
Ang joint inspection ay pinangunahan nina NIA – Palawan Irrigation Management Office (NIA-PIMO) si Engr. Armando L. Flores; 2nd District Board Members Ariston Arzaga, Ryan Maminta, at 3rd District Board Member Rafael Ortega Jr. na nagpahayag ng buong suporta sa pagsusumikap ng ahensya na mapalakas ang irigasyon at mapataas ang ani ng mga magsasaka.
Ayon sa NIA, ang inisyatibong ito ay naglalayong suriin ang katayuan at progreso ng mga irrigation facilities at matiyak na ang mga ito ay ipinatutupad nang naayon sa standards at may kakayanang maghatid ng sapat na suplay ng tubig sa mga magsasaka ng nasabing bayan. Ito ay nagpapatunay din umano sa patuloy na pagtupad ng pangako ng NIA para sa pagpapaunlad ng agrikultura at food security sa probinsya ng Palawan.
Ang kolaborasyon ng NIA at Provincial Board ay nagpapakita din umano ng kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga local leaders sa mga proyektong may direktang pakinabang sa mga Palawenyong magsasaka at sektor ng agrikultura.
NIA Regiona IV-B
Exit mobile version