Home News MAYOR ABNER TESORIO NG SOFRONIO ESPAÑOLA, BAGONG PANGULO NG LMP – PALAWAN...

MAYOR ABNER TESORIO NG SOFRONIO ESPAÑOLA, BAGONG PANGULO NG LMP – PALAWAN CHAPTER

0
Borgs Ibabao
Nahalal na bagong Pangulo ng League of Municipalities (LMP) – Palawan Chapter si Sofronio Española Municipal Mayor Abner Rafael N. Tesorio sa ginanap sa regular meeting and election ngayong Lunes, September 15, 2025 sa Best Western Plus, Ivywall Hotel, Puerto Princesa City.
Dumalo sa aktibidad ng LMP si Palawan Governor Amy R. Alvarez, na dating league president at LMP National Representative Deputy Executive Director Vingaye Pizarro.
Sa mensahe ni Gov. Alvarez, binati nya ang mga bagong halal na opisyales ng LMP at sinabing mananatiling bukas ang komunikasyon para anumang maitutulong ng Pamahalaang Panlalawigan.
“Thank you and I am honored to serve you. Thank you again, because I am here to serve you again as the governor. I hope we will work closely, again. Open po ang communication sa akin and no problem for me to help [ang] lahat ng munisipyo,” bahagi ng pahayag ni Alvarez.
Pagkatapos ng eleksyon, nagkaroon ng pagpupulong ang liga at ilan sa mga tinalakay ang Financial Status Update, National and Provincial Dues Status Update at mga mga programang ipinatutupad ng bagong administrasyon.
Samantala, narito ang kabuuan ng mga bagong opisyales ng LMP sa lalawigan.
Vice President: Mayor Rommel I. Dela Torre (Magsaysay)
Secretary: Mayor Pedy B. Sabando (Roxas )
Treasurer: Mayor Edna G. Lim (El Nido)
Auditor: Mayor Norman S. Ong (Rizal)
Public Relations Officer:
North: Mayor S. Cudilla (Araceli)
South: Mayor Al-Shariff W. Ibba (Bataraza)
Board of Directors North:
1. Mayor Richard Herrera (Dumaran)
2. Mayor Norbert Lim (Taytay)
3. Mayor Raymond Cruz (Busuanga)
4. Mayor Emil Neri (Linapacan)
Board of Directors South:
1. Mayor Lito Tito (Aborlan)
2. Mayor Lily Torrico (Quezon)
3. Mayor Cesareo Benedito Jr. (Brooke’s Point)
4. Mayor Beltzasar Alindogan (Kalayaan)
Sina Mayor Ramir Pablico ng San Vicente at mga kinatawan ng mga alkalde mula sa bayan ng Brooke’s Point at Balabac ang nagsilbing Election Board of Officers.
PIO Palawan
Exit mobile version