Nagtala ng 9.8℅ growth o pagtaas ang ekonomiya ng Puerto Princesa para sa taong 2024, base sa nakalap na datos ng Philippine Statistics Office- Palawan Office, na ibinahagi sa kanilang presentation sa isinagawang Provincial Products Accounts Dissemination Forum sa VJR Hall ng Kapitolyo, ngayong araw Oct 14.
Nanguna sa mga industriyang ito ay galing sa Construction, na sinundan ng Professional and Business services, Financial and Insurance. Napanatili nito ang pagiging fastest Growth for Gross Domestic Product (GDP), na umaabot na sa P64.47 Billion para sa 2024, na pinakamataas sa boung MIMAROPA Region.
Via Joel Contrivida