Home News Ekonomiya Ng PPC, Pinakamabilis Na Lumago Sa Buong MIMAROPA Noong 2024; Palawan,...

Ekonomiya Ng PPC, Pinakamabilis Na Lumago Sa Buong MIMAROPA Noong 2024; Palawan, May Pinakamalaking Kontribusyon Sa Ekonomiya Ng Rehiyon

0
Ang lungsod ng Puerto Princesa ang nanguna sa fastest growing economy o nakapagtala ng pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa mga siyudad at probinsya sa buong MIMAROPA Region noong 2024.
Ito ang ibinahaging datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Palawan sa ginanap na 2024 Provincial Product Accounts (PPA) Dissemination Forum on the 2024 Economic Performances of the Province of Palawan and the City of Puerto Princesa noong October 14, 2025 sa Victoriano J. Rodriguez Hall sa Provincial Capitol Complex.
Sa 2024 Economic Performance (At Constant 2018 Prices) na ini-release ng PSA noong October 14, nakapagtala ang Puerto Princesa City (PPC) ng 9.8% Gross Domestic Product (GDP) growth rate katumbas ng tinatayang halaga na P64.47 billion, mas mataas ng P5.75 billion mula sa naitalang P58.72 billion GDP ng siyudad noong 2023.
Samantala, bagama’t bumagal ang paglago ng ekonomiya ng 1.1% noong 2024 mula sa 1.4% noong 2023, ang lalawigan ng Palawan naman ang may malaking kontribusyon pagdating sa economic growth ng MIMAROPA.
Batay sa Economic Performance ng probinsya, ito ang nakapagtala ng pinakamalaking average share sa Gross Regional Domestic Product (GRDP) ng MIMAROPA noong 2024 na umabot ng 30.4% o katumbas ng P130.39 billion.
Pangunahing mga industriya na may pinakamalaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng Palawan ay ang agriculture, forestry and fishing (25.0%), Services (35.4%) at Industry (39.7%).
l via Borgs Ibabao
Exit mobile version