Home News SDS LAIDA MASCAREÑAS SA USAPIN NG ‘ITEM FOR SALE’; “WALANG GANYANG PANGYAYARI...

SDS LAIDA MASCAREÑAS SA USAPIN NG ‘ITEM FOR SALE’; “WALANG GANYANG PANGYAYARI SA DEPED PUERTO PRINCESA CITY”

0
Romeo Luzares
Tiniyak ni Department of Education (DepEd) Puerto Princesa City Schools Division Superintendent (SDS) Laida M. Lagar-Mascareñas na walang nangyayaring anomalya may kaugnayan sa ‘item for sale’ sa kanilang buong dibisyon at lahat ng mga aplikasyon ay dumaraan sa tama at mahigpit na proseso.
Ito ang sinabi ni SDS Mascareñas sa Palawan Media sa ginanap na 3rd Quarter Kumustahan sa DepEd PPC noong September 25, 2025 sa SDO Conference Room ng DepEd PPC na naglalayong mabigyang linaw ang anumang issues and concerns sa kanilang ahensya at pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko.
Sabi ni Mascareñas, kaya nya umanong magsalita bilang pinuno ng DepEd PPC at maging sa mga kasamahan nito dahil alam nila ang kaniyang patakaran.
“As the head of DepEd Puerto Princesa City, walang ganyang pangyayari sa DepEd Puerto Princesa City, ‘yong item for sale for whatever is ‘yong for sale. Magsasalita ako para sa akin, wala akong tinatanggap at wala akong hinihingi. Pagdating sa mga kasamahan ko, alam nila kung ano ‘yong patakaran namin pagdating sa fair na pagha-hire.. ng pagpipili ng mga aplikante naming. Naging mahigpit kami dyan. Naging fair kami sa lahat ng mga opening. Lahat ng newly created items [at] vacated items. Lahat po ‘yan ay inia-announce namin sa pamamagitan ng Division Memorandum”, ani Mascareñas.
Dagdag pa ng opisyal, sa umpisa pa lang din kasi ng pag propeso sa aplikasyon ay alam na ng kanyang mga tauhan na walang dapat sisingilin o tatanggaping bayad dahil trabaho nila ito. Pinaaalalahanan din nila ang mga aplikante na sila ay nag apply dahil sila ay qualified na mag apply at kung sakali mang matanggap ay dahil ito sa kanilang pagsusumikap.
Exit mobile version