Home News Rocket Debris Mula Umano Sa China, Narekober Sa Karagatan Ng Palawan.

Rocket Debris Mula Umano Sa China, Narekober Sa Karagatan Ng Palawan.

0

Isang malaking piraso ng rocket debris na pinaniniwalaang galing sa China ang narekober nitong, araw ng Linggo, October 19, 2025, sa karagatang sakop ng Bataraza, Palawan.

Namataan ang debris sa 12.17 nautical miles southeast ng Rio Tuba ng mga tauhan ng BRP Lolinato To-Ong, na pabalik mula sa operasyon at pagpapatrolya.

Ayon kay LCDR Ruel Gutierrez, Commanding Officer ng BRP Lolinato To-Ong, nahirapan silang marekober ang malaking bahagi dahil sa sama ng panahon at malalaking alon, kaya humingi pa sila ng tulong sa mga mangingisda.

Bagamat wala pang pormal na kumpirmasyon, naniniwala si Gutierrez na galing ito sa China dahil sa nakitang Chinese markings. Posible umanong bahagi ito ng Long March 8A rocket ng China na inilunsad noong October 16, 2025.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pagbagsak ng debri.

Ituturn-over ang debris sa Philippine Space Agency (PHILSA) para sa masusing pagsusuri.

l via Romeo Luzares

Exit mobile version