Home News HINIHINALANG UNDERWATER DRONE, NA-DISKOBRE NG MGA MANGINGISDA SA KARAGATAN NG LINAPACAN, PALAWAN

HINIHINALANG UNDERWATER DRONE, NA-DISKOBRE NG MGA MANGINGISDA SA KARAGATAN NG LINAPACAN, PALAWAN

0
Borgs Ibabao
Nasa kustodiya na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hinihinalang isang underwater drone na nakuha ng mga residente at mangingisda sa karagatang sakop sa Brgy. Barangonan, Linapacan, Palawan, noong September 28, 2025.
Ang pagkaka diskobre ay isa umanong patunay ng nagpapatuloy na illegal marine scientific research sa mga karagatan ng Pilipinas, na kaparehas ng mga pangyayaring may kinalaman sa autonomous underwater vehicle (AUVs) mula sa ibang bansa.
Ang humigit-kumulang 12-foot-long device ay na-recover ng mga residente ng Sitio Tapic, Brgy. New Colaylayan, Linapacan habang nangingisda. Ang AUV ay isinurender sa PCG personnel at ligtas na ibinyahe sa PCG Station Linapacan para sa karagdagang beripikasyon, technical examination, imbestigasyon at koordinasyon sa national security agencies.
Sa mga paunang obserbasyon, ang device ay mayroong Conductivity-Temperature-Depth (CTD) sensor—isang kompaktong probe na i-denisenyo upang sukatin ang seawater salinity, temperatura, at lalim ng dagat, na mga pangunahing parametro para sa oceanographic profiling. Ang sensor ay may nakasulat na Chinese character (“海水盐度传感器”) at serial number (CTD-20090334), na mapapansing kinakalawang na. Ito ay nakakabit sa isang matibay na metal frame, na tipikal na itsura ng mga AUV na karaniwang kilala bilang “underwater drones.”
Ang pagkakatuklas na ito ay kahalintulad sa mga natuklasan ding device sa Pasuquin, Ilocos Norte (July 2022); sa baybayin ng Zambales (September 2022); Calayan Island, Cagayan (August 2024); Initao, Misamis Oriental (October 2024); at San Pascual, Masbate (December 2024).
Hindi bababa sa tatlo sa mga unang na-diskobre ay iniu-ugnay sa idipeploy ng Tsina, batay sa ebidensya tulad ng China Telecom SIM cards, iridium transceiver na konektado sa Beijing -based na HWA Create (defense contractor), at mga battery packs na may marka ng China Electronics Technology Group Corporation.
Courtesy of Commodore Jay Tarriela
Exit mobile version