Home News P20 Million Na Halaga Ng High Grade Marijuana, Nakitang Palutang-Lutang Sa WPS

P20 Million Na Halaga Ng High Grade Marijuana, Nakitang Palutang-Lutang Sa WPS

0
Tinatayang aabot sa P20 million na halaga ng high grade marijuana o kilala rin sa tawag na “kush” ang nakita ng mga mangingisda habang pumapalaot para maghanapbuhay sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa ulat, October 01 nang makita ng mga mangingisda ang mga malalaking plastic na may kabuuang 34 piraso at nang buksan ay nakita ngang “kush” ang mga laman nito.
Agad itong ini-report ng mga mangingisda sa Western Naval Command (WNC) at Provincial Intellegience Unit (PIU) at itinurnover ngayong araw, October 08 sa isang munisipyo sa mainland Palawan.
Agad naman itong ibinyahe ng WNC at PIU dito sa Puerto Princesa City para i-turnover naman sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan.
l via Borgs Ibabao
Exit mobile version