Nagsimula nang makipag-ugnayan sa ilang Local Government Unit (LGU) sa norte ng lalawigan ang National Food Authority (NFA) Palawan para sa planong paglalagay ng mga Palay Buying Stations.

Nitong Biyernes, August 22, nagtungo ang mga tauhan ng NFA sa mga bayan ng San Vicente at Taytay at nakipag pulong kina Mayor Ramir Pablico at Mayor Norberto Salvame-Lim.
Ayon sa ahensya, layunin ng paglagay ng mga Palay Buying Stations na tiyakin ang patas na presyo ng palay, mapataas ang kanilang kita at mailapit ang serbisyo ng NFA sa mga magsasaka.
Dagdag ng NFA, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, higit na pinalalakas ang suporta para sa kapakanan ng agrikultura sa buong probinsya. l via Borgs Ibabao