Home News Mga Bayan Sa Calamianes Area, Tumanggap Ng Daang Sako Ng Bigas Mula...

Mga Bayan Sa Calamianes Area, Tumanggap Ng Daang Sako Ng Bigas Mula Sa OCD At Prov’l Gov’t Of Palawan

0
Namahagi ng mga bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa mga bayan sa Calamianes Area na naapektuhan ng magkakasunod na sama ng panahon partikular ng Bagyong “Opong”.
‎Ang 600 sako ng bigas ay ipinagkaloob ng Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA para sa mga residente ng Coron na tumanggap ng 200, Culion na may 150, Linapacan na may 100 sako, at Busuanga na may 150 sako.
‎Ito ay naihataid sa mga nabanggit ng bayan noong October 11-14, 2025 sakay ng Philippine Navy (BRP Iwak), sa tulong ng PDRRMO, MDRRMO at Provincial Disaster Risk Reduction Auxiliary Inc. (PDRRAI).
‎Ang pagkakaloob ng tulong ay base sa direktiba ni Palawan Gov. Amy Alvarez na maalalayan ang mga Palawenyong naapektuhan ang kabuhayan dahil sa nagdaang sama ng panahon.
‎Bukod dito, namahagi din ang kapitolyo ng mga Search and Rescue (SAR) equipment tulad ng life jacket, life ring, throw bag, flashlight, at megaphone para sa Sitio Canimango, Brgy. Galoc sa Culion, sa Brgy. San Jose at Brgy. Calachao sa Coron, at Brgy. Panlaitan at Brgy. Salvacion sa Busuanga.
In-‎inspeksyon din ng PDRRMO ang mga Automated Weather Systems sa 4 na munisipyo upang masiguro ang kahandaan ng mga residente sa panahon ng kalamidad.
Western Naval Command/PDRRMO
Exit mobile version