Agad na nasawi matapos magulungan ng kasunuran na dump truck, ang babaeng motorista na naganap sa kahabaan ng Macadam Road, Brgy. Rio Tuba, kahapon Lunes, Oktubre 20, 2025, bandang 11:40 ng umaga, na ikinamatay ng driver ng motorsiklo.
Kinilala ang biktima na si alyas Rona, 46 na taong gulang, residente ng Brgy. Rio Tuba, driver ng kanyang motorsiklong Honda Beat.
Ayon sa imbestigasyon ng Bataraza MPS, parehong direksyon ang tinatahak ng motorsiklo at ng isang HOWO Dump Truck, na minamaneho ni alyas Ramon, 44 taong gulang.
Habang nag-o-overtake ang dump truck sa motorsiklo, iniwasan nito ang lubak ng kalsada, kaya nasagi nito ang motorsiklo. Dahil dito, tumumba ang driver ng motorsiklo at nasagasaan ng dump truck ang biktima, na naging sanhi ng kanyang agad na pagkasawi.
Matapos ang insidente, hindi huminto ang truck at nagpatuloy sa pagmamaneho ang driver ng dump truck.
Dinala ang bangkay ng biktima sa Bataraza Rural and Health Unit para sa post-mortem examination.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.
l via Romeo Luzares