Home News Mangingisda Nasawi Matapos Masabugan Ng Bongbong, Habang Nangingisda Sa Rizal Palawan

Mangingisda Nasawi Matapos Masabugan Ng Bongbong, Habang Nangingisda Sa Rizal Palawan

0

Nasawi ang isang mangingisda matapos masabugan ng iligal na pampasabog o “bongbong” habang nangingisda sa karagatan ng Barangay Taburi kahapon ng hapon Oktubre 14, 2025.

Kinilala ang biktima na si alyas Ambo, 65 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Taburi.

Ayon sa imbestigasyon, umalis si Ambo sa kanilang bahay DAKONG alas 3:00 ng hapon sakay ng kanyang bangka. Bandang alas 4:10, isang concerned citizen ang nakarinig ng malakas na pagsabog sa lugar kung saan nangingisda ang biktima.

Agad siyang sinagip ng mga kalapit-mangingisda at dinala sa dalampasigan para humingi ng tulong. Bagama’t naisugod pa sa Rizal District Hospital, idineklara si Ambo na dead on arrival dakong 6:14 kagabi.

Naubusan ng dugo at matitinding pinsala mula sa pagsabog ng Bongbong kaya nasawi ang biktima.

Ang bongbong ay isang uri ng pampasabog na ginagamit sa iligal na pangingisda na maihahalintulad sa dinamita.

Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente.

via Romeo Luzares

Exit mobile version