Sumailalim sa oryentasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Palawan ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) na residente ng Puerto Princesa City.
Isinagawa ang TUPAD Orientation katuwang ang City Public Employment Service Office (PESO)–Puerto Princesa at ang City Mayor’s Office ngayong Martes, October 14, 2025 sa Balayong Basketball Court na dinaluhan ng mahigit 700 benepisyaryo.
Ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang mga patakaran ng programa, ang schedule ng kanilang trabaho, at mga alituntunin para sa kanilang kaligtasan habang nagta-trabaho.
Ang programang TUPAD ay nagbibigay ng panandaliang trabaho sa mga indibidwal na nawalan ng hanapbuhay, underemployed, at seasonal workers sa loob ng hindi bababa sa 10 araw at hindi lalagpas 30 days o depende sa magiging klase ng trabaho.
Ang mga TUPAD workers ay inaasahang tatanggap ng sahod na hindi bababa sa 100% ng pinakamataas na umiiral na daily minimum wage na itinakda ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) kung saan ipatutupad ang proyekto.
l via Borgs Ibabao