Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng opisyal ng gobyerno na sumailalim sa isang “lifestyle check” bilang bahagi ng imbestigasyon kaugnay sa mga maanumalyang flood control projects.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Office Claire Castro sa isang press briefing sa Malacañang ngayong Miyerkules, August 27.
Sabi pa ni Usec. Castro na gusto rin ng Pangulong BBM na magkaroon ng masusing review sa mga records ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at simulan ang lifestyle check sa mga opisyal nito. l via Borgs Ibabao