Home News ISANG SCIENCE LABORATORY BUILDING, IPINATAYO NG VIVANT FOUNDATION PARA SA PUERTO PRINCESA...

ISANG SCIENCE LABORATORY BUILDING, IPINATAYO NG VIVANT FOUNDATION PARA SA PUERTO PRINCESA CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

0
Iti-nurn over na ng Vivant Foundation, Inc ngayong araw, Augusto 19 ang ipinatayo nilang Science Laboratory Building na nagkakahalaga ng tinatayang P5 Milyon, sa Puerto Princesa City National Science High School sa Brgy. Sta Monica. Inabot ng dalawang buwan ang paggawa nito.
Ang gusali ay kumpleto sa gamit para sa ibat ibang laboratory materials at machines, na magagamit ng 700 mag-aaral ng City Science High, bilang adbokasiya ng kilalang Foundation na nagsusulong ng sustainable energy solution. Ito na ang ikatlong Science Building na ipinatayo nila para sa Palawan, ang una ay sa Busuanga, at ang ikalawa ay sa Palawan National School dito rin sa lungsod.
Ang Vivant Foundation Inc ng Vivant Corporation ay ang energy subsidiary ng Delta P Inc, at Calamian Islands Power Corp sa Busuanga, sila rin ang nasa likod ng Puerto Princesa Wastewater Reclamation and Learning Center.
Dumalo sa turn over program sina Engr. Dennis Morigon, Vice President ng Delta P, Inc, Sir Benjamin Chiu, Senior Manager ng Vivant Foundation Inc, Konsehal Victor Oliveros, City DepEd Superintendent Laida M. Lagar-Mascareñas. PPCNSHS Principal Daniel Lebante at iba pa.
Via Joel Contrivida
Exit mobile version