Home News China Rocket, Muling Ilulunsad Sa Kalawakan; Ilang Lugar Sa Palawan, Kabilang Sa...

China Rocket, Muling Ilulunsad Sa Kalawakan; Ilang Lugar Sa Palawan, Kabilang Sa Drop Zone Ng Debris

0
Nagbabala ang Philippine Space Agency (PHILSA) sa publiko partikular sa mga marino o maglalayag sa karagatan sa muling panlulunsad ng space rocket ang People’s Republic of China.
Ayon sa ahensya, nakatakda ang paglulunsad ng Long March 8A rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, China sa October 10, 2025 mula 11:11AM hanggang 11:48AM.
Kabilang sa natukoy na drop zone ay ang mga sumusunod:
DROP ZONE 1: Approximately 118 NM away from El Nido at Palawan at 137 NM away from Puerto Princesa City.
DROP ZONE 2: 45 NM away from Tubbataha Reef Natural Park at 34 NM away from Hadji Muhtamad, Basilan.
Narito ang mga paalala mula sa Palawan PDRRMO.
1. Pinapayuhan ang lahat ng mga mangingisda at mga sasakyang pandagat na mag-ingat nang husto sa mga tinukoy na lugar ng puwedeng paghulugan ng nahulog na bahagi ng rocket sa nasabing oras.
2. Maaaring makakita at makaranas ang publiko ng mga kakaibang pangyayari sa kalangitan gaya ng mga bakas ng singaw (vapor trails), maliwanag na ilaw sa kalangitan, tunog na tulad ng pagsabog (sonic booms), at pagyanig ng lupa habang isinasagawa ang paglulunsad. Ang mga ito ay normal at inaasahan bilang bahagi ng paglipad ng rocket at hindi nagdudulot ng agarang panganib.
3. Agarang ipagbigay-alam sa mga lokal na awtoridad kung makakita ng mga posibleng debris o piraso ng rocket.
4. Huwag subukang kunin o lapitan ang anumang debris ng rocket dahil maaaring may mga nakalalasong sangkap ito tulad ng rocket fuel. Inirerekomenda sa mga awtoridad na mangasiwa ng pagkolekta ng debris na magsuot ng angkop na Personal Protective Equipment (PPE) kung kinakailangan.
l via Borgs Ibabao
Exit mobile version