Tumonog na ang Flood Alarm system ng Brgy. Maoyon dito sa Puerto Princesa, dahil patuloy at mabilis na pagtaas ng tubig sa Maoyon river, ilang bahay na rin ang lubog sa baha dahil sa masamang panahon o patuloy na pag-ulan.

Sa post ni Kap. Earl Dilla, binuksan na nila ang mga designated evacuation centers ng barangay ngayong hapon at Force Evacuation na ang ipinapatupad nila sa kanilang mga residente sa mga sandalling ito.