Home News 5 ESTUDYANTE, ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION NG PPCPO; HINIHINALANG MARIJUANA AT...

5 ESTUDYANTE, ARESTADO SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION NG PPCPO; HINIHINALANG MARIJUANA AT SYNTHETIC CANNABINOID, NASABAT

0
Arestado ang limang (5) estudyante sa lungsod sa isinagawang joint anti-drug operation ng Puerto Princesa City Police, City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PDEA Regional Office 4B, alas-8:30PM noong August 11 sa Purok Bagong Silang, Bgy. San Miguel dahil sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon ay resulta ng patuloy na ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente ng ‘seizure’ o kombulsyon ang 3 kabataan sa bgy. Mandaragat matapos umanong kumonsumo ng isang substance na tinatawag na “tuklaw.”
Ang limang suspek ay mga estudyante kung saan ang 2 ay nag e-edad 19 years old na residente ng bgy. San Miguel; ang isa ay 24 years old at 25 years old at parehong naninirahan sa bgy. San Manuel; habang ang ikalima ay isang 22 years old mula sa Barangay San Pedro. Ang ito ay nadakip matapos makipagtransaksyon sa isang poseur buyer.
Nakuha sa mga suspek ang (4) heat-sealed plastic sachet na hinihinalang marijuana na may tinatayang timbang na 14.3 grams at market value na P1,430.00; hinihinalang Synthetic Cannabinoid na kinabibilangan ng (13) plastic bottles, (3) glass vials, (9) heat-sealed sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon na may likido gayundin ang (1) disposable syringe na may likido, (10) unused disposable syringes, (1) water pipe; at buy-bust money na P2,500 at 4 cellular phones.
Batay sa laboratory examination ng Puerto Princesa City Forensic Unit (PPCFU), ang mga nakumpiskang specimen ay nagpositibo sa MDMB-4en-PINACA, isang synthetic cannabinoid isang uri ng dangerous drug sa ilalim ng RA 9165. l via Romeo Luzares
Exit mobile version