Home News Reklamo sa mga Online Sellers, karamihan ng kasong tinutugunan ng DTI-Palawan

Reklamo sa mga Online Sellers, karamihan ng kasong tinutugunan ng DTI-Palawan

0
Nangunguna sa pinakamaraming reklamo na tinatanggap ng Department of Trade and Industry-Palawan, ay ukol sa mga online sellers o mga produktong binili sa iba’t ibang shopping apps, mula enero hanggang Setyembre ngayong taon ay nagtala ang nasabing tanggapan ng 63 na kaso.
Ayon kay Persival Narbonita, Senior Trade and Industry Development Specialist -OIC Consumer Protection Division ng DTI Palawan, karamihan sa mga reklamo ay dumating ang parcel na iba ang laman, parcel na walang laman, at ang iba ay mga sira o depektibong produkto. Marami anya sa mga ito ay naresolba ng DTI, at na-refund naman ang mga nagrereklamo.
Ngayong Oktubre ay ginugunita ng DTI sa boung bansa ang Consumer Welfare Month, at nais nilang ipalaganap ang mga Karapatan ng mga mamimili, at bukas sila sa DTI na tumanggap ng reklamo at kanila itong so-solusyonan.
Via Joel Contrivida
Exit mobile version