Nabahala ang Puerto Princesa City matapos ang back-to-back na pagkakarekober ng malalaking bulto ng iligal na droga nitong Oktubre.
Noong Oktubre 11, 2025, bulto-bulto ang nakuha na nasa 36 kilo ng hinihinalang cocaine na may street value na P214 milyon, narekober ito ng Philippine Navy sa Brgy. Bahile.
At nang araw na iyon may sumunod pa, isang mangingisda naman ang nakatagpo ng 430 gramo ng cocaine sa Brgy. Bagong Bayan, tinatayang nagkakahalaga ng P2.2 milyon pesos.
International smuggling ang tiningnan dito ng serye ng pagkakadiskubre, kasama ang mga naunang kaso ng cocaine at kush sa Palawan, ay pinaniniwalaang konektado sa international drug smuggling na gumagamit ng maritime routes.
Pinuri ni PPCPO Acting City Director PCOL Cristine M Tabdi ang komunidad, lalo na ang mga mangingisda, sa kanilang pagbabantay.
Nanawagan ang PPCPO sa lahat na maging listo at makipagtulungan sa pulisya para tuluyang masawata ang pagpasok ng iligal na droga sa lungsod.
PPO and PDEA Palawan
via Romeo Luzares