Home News Puerto Princesa At Palawan Muling Nagtala Ng Mataas Na Bilang Ng Mga...

Puerto Princesa At Palawan Muling Nagtala Ng Mataas Na Bilang Ng Mga Kaso Ng Dengue.

0

Sumipa agad sa 150 ang bilang ng tinamaan ng Dengue sa Probinsiya at Siyudad sa unang Linggo palang ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon sa Vector-Borne Diseases Program ng DOH Mimaropa, pumalo na sa 6,444 ang kabuuang kaso ng dengue sa Palawan, kung saan 42 na ang nasawi.

Nangunguna pa rin ang Puerto Princesa na may 1,771 kaso at 8 ang nasawi, na sinundan ng bayan ng Coron na may 1,273 at nagtala ng 15 na nasawi, pangatlo ang bayan ng Roxas na may 495 na kaso at tatlong nasawi.

Sa buong Mimaropa, nananatili na ang Palawan pa rin ang may pinakamataas na kaso na umabot na sa 11,852 at 71 na nasawi.

Walang tigil ang patuloy na panawagan ng DOH na linisin ang paligid at bakuran, ang pinaka mabisa na paraan para mapuksa ang lamok upang hindi mabiktina ng Dengue.

via Romeo Luzares

Exit mobile version