Nasa 3.46M ang halaga ng puslit na sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Bgy. Pulot Shore, Sofronio Española Palawan , October 23, 2025.
Ayon sa PNP Maritime Group 2nd Special Operations Unit–Quezon Special Boat Crew (SBC), nasabat ang iligal na kargamento na nasa 2,750 reams ng imported Fort brand na nagkakahalaga ng Php 3,465,000.00. hindi na pinangalanan ang suspek.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Graphic Health Warnings Law ang suspek.
Ang nagsagawa ng operasyon ay ang iba’t ibang ahensiya kasama ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Coast Guard (PCG), at lokal na pulisya.
Dinala na sa SBC Headquarters ang mga nakumpiska para sa imbestigasyon at ituturn-over ito sa BOC.
Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapatunay sa patuloy na kampanya ng Palawan laban sa smuggling at iligal na kalakalan.
