Home News LTO Officer, May Pagkakamali Nang Pumasok Sa Private Property; Motoristang Tumakas, May...

LTO Officer, May Pagkakamali Nang Pumasok Sa Private Property; Motoristang Tumakas, May Pananagutan Sa Batas – Asec. Lacanilao

0

May pagkakamali umano ang law enforcer ng Land Transportation Office (LTO) sa pagpasok nito sa pribadong lugar matapos sundan ang tumakas na motorcycle rider na kanilang pinara upang inspection sana sa national highway.

‎Ito ang naging pahayag ni LTO Chairman at Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Markus Lacanilao sa pagbisita nya sa LTO Palawan District Office, sa Puerto Princesa City ngayong araw, October 21.

‎Sabi ni Asec. Lacanilao, hindi niya umano ito-tolarate ang ganitong hakbang ng mga LTO Officers kaya pinayuhan na sa susunod ay huwag ng gagawing muli ang pagkakamali, pero hindi naman daw nangangahulugan na ititigil na ang panghuhuli.

‎Aniya, tama rin naman ang ginawa ng kanilang tauhan dahil kailangan nitong kunin ang detalye ng motorsiklo, bagaman mali lang na pumasok ito sa pribadong lugar.

‎Samantala, iginiit rin ng opisyal na mali rin ang ginawa ng motorista dahil sa kung anumang dahilan nito ng pag-iwas, patas umano ang pagpapatupad nila ng batas sa kalsada.

‎Payo nito, upang hindi mamultahan, i-rehistro ang mga sasakyan, kumuha ng drivers license, magmaneho ng tama at magsuot ng nararapat na helmet.

‎Sa ngayon ay inihahanda na umano ng LTO Puerto Princesa ang show cause order laban sa tumakas na motorista para pagpaliwanagin.

l via Romeo Luzares

Exit mobile version