Borgs Ibabao
Nag courtesy call kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang Executive Assistant to the Chairman ng Rustan Coffee Corporation na si Jeanny R. Owen ngayong Lunes para sa update ng nalalapit na pagbubukas ng kanilang coffehouse branch na Starbucks sa siyudad.
Ayon kay Owen, karamihan sa mga magiging staff ng kanilang coffehouse ay mga taga-Puerto Princesa bilang suporta sa local employment, habang magmumula rin sa kanilang existing branch sa Palawan ang mga magiging lead employees.

Sabi ni Mayor Bayron, ang pagbubukas ng nasabing kompanya ay isang patunay ng paglago ng ekonomiya ng lungsod na siya ring pinakabagong investor.
Ang Starbucks Puerto Princesa ay magkakaroon ng soft opening sa darating na Biyernes, October 10, 2025z