
Joel Contrivida
Nagbukas na ang bagong branch ng Spudland sa Palawan Plaza ng Drugman sa H. Mendoza St corner Valencia st dito sa Puerto Princesa, ito na ang ikalawang branch nila maliban sa SM City na una nilang puwesto na nitong Marso rin nagbukas.
Nakilala ang Spudland sa kanilang Jacket Potato na food, na halaw sa Spudman sa Tiktok na ginawan ng local version ng mga may ari nitong local content creator na sina Ar Leong at Juriza Carese.
Maliban sa dalawang branch, nasa Balayong Park din sila ngayong buwan para sa Food Bazaar ng Tourism Month Celebration.