Home Entertainment PALAWEÑA, NAGING MUSE NG BEERMEN SA PBA

PALAWEÑA, NAGING MUSE NG BEERMEN SA PBA

0
TALK OF the town ang pagiging muse ng Palaweña na si Carolyn Eyer, sa opening ng Philippine Basketball Association 50th season nung lingo, Okt 5 na ginanap sa Araneta Coliseum. Naging muse si Eyer ng Beermen Team ng San Miguel at nakipagsabayan sa ibang artista at Beauty Queen Muse ng ibang koponan.
For the first time kasi ay hindi kumuha ng artista o Beauty Queen tiltlist ang San Miguel, at ang napili nila ay empleyado nila mismo, at yun na nga si Carolyn na first time ever nakaranas ng nasabing opportunity, ni hindi nga sya sumali sa anumang beauty pageant noon. Key account Executive si Carolyn sa San Miguel Brewery at lagpas 15 taon na sya nag tra-trabaho doon. Ngayong taon din kasi ay nagdiriwang ng ika-135th year ang San Miguel.
“The overwhelming and inspiring reactions from people truly touched me. I never expected my role as a muse to go viral, and it’s heartwarming to hear many say they feel proud. This means a great deal to me.” Sabi ni Carolyn sa panayam ng The Palawan Times.
Laking Puerto Princesa si Carolyn, sa Holy Trinity University nag aral mula High School hangggang College kung saan kumuha sya ng Business course. Anak siya nina Nancy at Bruno, na nag mamay-ari ng Bruno’s Swissfood na matatagpuan sa Valencia St likod ng Mendoza Park.
Photo Courtesy of ONE Sports
Via Joel Contrivida
Exit mobile version