Home Entertainment ANG PAGBUKOD NI MELMEL NG PNS, FINALIST SA GAWAD ALTERNATIBO

ANG PAGBUKOD NI MELMEL NG PNS, FINALIST SA GAWAD ALTERNATIBO

0
Joel Contrivida
Pasok sa 37th Gawad Alternatibo Film Festival para sa Narrative Category, ang short film na “Ang Pagbukod ni Melmar” ng Palawan National School, na dinerehe ni Nathaniel Turingan. Tinanghal itong Best Picture sa Isla Pelikula III ng Infinite Digital Media and Techmart Solutions ngayong taon na ginanap nung nakaraang Baragatan sa Palawan Festival. Ang bida nitong aktres na si Mary Gabrielle Fuertes ang nanalo ding Best Actress, at Best Director kay Turingan.
Dahil sa pagkakapili dito ng Cultural Center of the Philippines, na siyang nag organize ng Festival ay ipapalabas ang maikling pelikula sa Cinemalaya Film Festival, sa mismong Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza ngayong Oktubre 4 hanggang 11 sa Mandaluyong City.
Kuwento ng isang dalagang Palaw’an ang “Ang Pagbukod ni Melmar”, na nakatakdang ikasal sa lalakeng hindi nya mahal dahil na rin sa tradisyon ng kanilang tribu, ngunit may iba na siyang napupusuan at isang taga Bayan.
Samantala, tumatanggap na ng mga entry para sa Year 4 ang Isla Pelikula hanggang Setyembre 30, ang award winning Movie at TV Director na si Zig Dulay ang tumatayong mentor nito simula pa nung una. Si Monica Montejo, Chief Executive Officer ng Infinite Digital Media ang siyang punong abala sa bukod tanging Film Festival sa Palawan.
Exit mobile version