Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong Grave Threats na may kinalaman sa paggamit ng iligal na armas sa Puerto Princesa.

Ang suspek ay kinilalang si alyas Mr X, residente ng Barangay Mandaragat, na nadakip sa isinagawang operasyon sa Abanico Road, Barangay San Pedro.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Police Station 1 ng Puerto Princesa City Police Office, katuwang ang 401st B Maneuver Company ng RMFB.

Inaresto si Mr X base sa Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 51.

Ang kaso ay may kinalaman sa Grave Threats (Article 282 ng Revised Penal Code) at paglabag sa batas tungkol sa iligal na pagmamay-ari ng baril. At nasa Php 72,000,00 ang Inirekomenda na piyansa.

Kasalukuyang nakakustodiya si Mr X sa Police Station 1 at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon.

l via Romeo Luzares