Joel Contrivida
May bagong kanta ang local Rock band na Signus, ito ang “Walang Hanggan” na officially release online sa biyernes, Sept 19 sa ibat ibang music platform gaya ng Spotify. Ito na ang ika-7 Original song ng banda na for streaming.
Sabi ng grupo, ang kanta ay tungkol sa mga taong mabilis mag relapse at sinusunod nalang ang gustong gawin kahit na alam na mali, halos inabot din ng isang taon bago nakagawa ng bagong kanta ang banda, na sila mismo ang nag produce independently.
Ang Signus band ay binubuo nina Vince Atencio – Vocals, Alexis Gabrielle Garcia – Bass, Daniel Kenneth Igna – Guitars, Sidney – Guitars at Alexis Perez – Drums