Nilinaw ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang maling pagkakaunawa ng publiko sa Vietnamese Tobacco na Thuôc lào at ang tinatawag ngayong “tuklaw” na nadiskubre sa lungsod.
Ayon kay City Police Director Police Col. Cristine Tabdi, nagsasagawa sila ng operasyon upang malaman kung ano ang tinatawag na Tuklaw, matapos ngang matimbog ang 5 estudyante na pinaniniwalaang source.

Aniya, ang tuklaw na nadiskubre dito ay ginamitan umano ng synthetic cannabinoid na sangkap ng mga kemikal na ipinapatak sa marijuana, bago hithit*n na maaaring ginawa lang sa isang laboratory dito sa Puerto Princesa at hindi nabili sa labas o sa online.
Kaya lang umano ito tinawag na tuklaw dahil hango sa masamang epekto sa sumisinghot nito.
Ayon pa kay Col. Tabdi, wala pa silang ginawang comparison sa Thuôc lào ng Vietnam dahil wala namang nabibili nito sa Puerto Princesa City. l via Romeo Luzares