Huling namataan si Tropical Depression Jacinto bandang alas tres ng hapon sa layong 505 Kilometer sa kanluran ng Kobe Point, Subic Bay, Zambales, may taglay itong hangin na 45 kilometer per hour, at bugso na 55 kilometers per hour. Inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility bukas biyernes, pero magpapaulan pa ito hanggang weekend.

Pinapalakas ni Jacinto ang Southwest monsoon o habagat, na nagdadala ng maulap na papawirin, na may kalat kalat na pag ulan, pagkulog at pag kidlat sa boung Palawan, possible ang 50 to 100 millimeter’s na pag ulan sa lalawigan lang ng Palawan. Ang nasabing milimeters ay posibleng tingnan na 4 hanggang 8 timba ng tubig na ibinuhos sa isang one square meter na area in a span of 24 hours.

Makulimlim ang boung araw ng biyernes na may mataas na localized thunderstorm sa hapon. Bugso-bugsong pag ulan ang asahan naman sa sabado.

Ibayong pag iingat ang panawagan ng Pag-ASA lalo na sa mga lugar na malapit sa mga ilog. Asahan naman ang maalon na karagatan sa western part ng Palawan, 3.1 meters ang posibleng taas ng alon o di lalagpas sa isang palapag na gusali, kaya huwag maglayag ang mga maliit na bangka.