Pormal ng pinasiyanaan ngayong araw, Aug 7 ang ika-5 tower ng Casa Mira, na dinivelop ng Cebu Landmasters Inc (CLI), sa Lanzanas Road ng Brgy. San Pedro dito sa Puerto Princesa, ang kauna-unahang condo building sa lungsod.

Bisita sa isinagawang Ground Breaking Ceremony si Mayor Lucilo Bayron, na pinasalamatan ang grupo sa paglalakas loob na manguna sa pagtayo ng Condo na agad namang sinundan ng iba pang real state company.

Nasa 96% rate na ang nabili sa unang apat na tower ng Casa Mira, dahilan para magdagdag pa sila ng dalawa pang tower na may mahigit 500 na condo unit sa mga susunod na buwan pa, taong 2023 ng simulan nila ang pag-gawa nito at inaasahang matatapos dalawang taon mula ngayon. Nagkakahalaga ng P3Milyon kada isang unit sa Casa Mira, na ayon sa CEO ng Cebu Landmasters na si Jose Soberano, modern ang pagkakagawa ng kanilang mga tower, maging ang pagbaha ay kanilang inaral upang maging ligtas ito sa magiging tenants nila.

Plano rin sa hinaharap ng CLI nag magtayo ng kanilang signature Hotel. Sa ibang munisipyo ng lalawigan.
Via Joel Contrivida