

Joel Contrivida
May mga bagong pag aaral na nilabas ang National Museum of the Philippines, sa shipwreck na nakita sa Tagbita Bay ng bayan ng Rizal dito sa Palawan.
Sabi ng pahayag, 19th Century ang nasabing barko na isang European vessel, na umaangkat ng tsaa sa China at dumadaan lamang sa karagatan ng Pilipinas, tinawag itong isang British Clipper Ship.
Ang mga locks, bolts at ibang piyesa ng barko ay natuklasang mula pa sa panahon ng mesopotamian o sinaunang panahon sa Egypt. Inamin ng Pambansang Museo na hindi pa tapos o pulido ang pagsasaliksik dito sa ngayon, ngunit kumbinsido sila na isa itong patunay ng masaganang maritime trade ng bansa nung mga unang panahon.
Katuwang ng NMP sa pag aaral sa tagbita shipwreck ang United Asia Ocean Quest, Inc. Taong 1988 natuklasan ang shipwreck ng mga mangingisdang nanghuhuli ng lobster sa Sitio Tagbita.