Joel Contrivida
Milyon na ang views both Tiktok and FB ng singing Tagbanua girl na si Noime Bacaltos aka Mikay, at mismong mga OPM singers na ang nag re-repost nito, gaya ni Colet ng Bini, at napa-comment na rin si Morissette Amon dahil kinukumpara sila ng mga netizens na pareho sila ng timbre ng boses. Ang video ay kuha sa Special Program in the Arts ng PNS kung saan binirit nito ang kantang Ikaw Ay Ako ni Klaresse De Guzman at Morissette Amon, na syang na post online.
Si Noime, ay 12 taong gulang at Grade 7 sa Palawan National School, pero taga Brgy. Apurawan talaga ito sa bayan ng Aborlan, sabi ng ina nyang si Olive ay 6 years old pa lang ito ay kumakanta na si Noime kasa-kasama ng Tatay Noel nito, na isang magsasaka na siya lang nagturo sa kanya sa pagkanta.
Singing champ si Noime sa murang edad, 2023 Battle Champion sya sa Quezon, Palawan, Got Talent winner din sya ng Aborlan nung parehong taon, at 4th placer bilang Exemplary child sa buong Palawan. Pangarap ni Noime na mabigyan sya ng pagkakataon na maka-duet si Morissette dahil idol talaga nya ito.
Hiwalay siya sa pamilya dahil sa pag-aaral nya sa lungsod, ngunit plano ng pamilya na pauwiin na ito sa Apurawan sa susunod na taon, upang dun na mag aral at para na rin makatulong dahil ang ama nito ay nakakaranas na ng pagka-lumpo.