Nakarekober ang mga mangingisda ng humigit kumulang na sampong kilo ng cocaine sa karagatan ng Puerto Princesa, kahapon October 9, 2025.

Matapos na ipagbigay alam sa awtoridad sa Barangay ay agad itong ipinagbigay alam sa Western Naval Command, PDEA Palawan, Philippine Coast Guard at PPO Palawan.

Kinumpirma ng PDEA na cocaine ang kontrabando na narekober, nakabalot ang mga ito sa itim na plastic na may label na “EB BUGATTI”.

Wala pang inilalabas ang PDEA Palawan kung ilang milyon ang halaga ng cocaine na nasa kanilang pangangalaga…

Kasalukuyang iniimbestigahan ang posibleng pinanggalingan nito at kung konektado ba ito sa mga nagdaang insidente ng droga na narekober din sa karagatan ng Palawan.

Hinihikayat ang komunidad na malapit sa dagat na ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang kahina-hinalang package o bagay na makukuha sa karagatan.

via Romeo Luzares