Borgs Ibabao
Nangolekta ng mga blood at swab samples mula sa mga alagang baboy, kalabaw, kambing, manok at pato ang Provincial Veterinary Office (ProVet) kasabay ng tatlong linggong Animal Disease Surveillance (ADS) sa mga bayan ng Busuanga, Culion at Coron noong August 25-September 12, 2025.
Ang aktibidad ay may layuning matukoy ang presensya ng posibleng mga sakit sa hayop tulad ng African Swine Fever (ASF), Foot & Mouth Disease (FMD) at Avian Influenza (AI). Ang mga nakuhang specimen sa mga hayop ay ipapadala sa Bureau of Animal Industry para sa masusing pagsusuri.
Gayundin, ito ay bahagi ng ginagawang hakbang ng administrasyon ni Palawan Gov. Amy Alvarez upang mapanatili ang probinsya sa Dark Green Zone status na magreresulta sa madaling pagpapalabas ng ASF-free certificates para sa patuloy na pag e-export ng swine sa mga kalapit na probinsya.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Provincial Vet sa publiko na ipinagbabawal pa ring magpasok ng anumang karne ng baboy o pork meat products sa Palawan.
Hinihikayat din nila ang lahat na agad na magreport sa kanilang tanggapan para sa anumang uri ng sakit sa mga alang hayop nang agad na matugunan ng ProVet.
📸 ProVet