Borgs Ibabao
Tinanggap ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa pangunguna ni PCOL Cristine M. Tabdi, Acting City Director ang
(2) units ng Toyota Lite Ace Patrol Jeeps na donasyon mula sa tanggapan ni Sen. Erwin Tulfo.
Ito ay kasabay ng kanilang flag-raising ceremony ngayong Lunes, October 06, 2025 sa PPCPO Headquarters, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Dumating si Mr. Joseph J. Dasco, Regional Director ng Extension Officel ni Sen. Tulfo, na sinabing ito ay patuloy na suporta ng senador sa magpapalakas ng mga law enforcement agencies sa misyong masiguro ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa mga komunidad.
Ang mga bagong patrol vehicles ay binasbasan ni Rev. Fr. Francis Inano na ayon sa PPCPO ay lubos na magpapalakas sa mobility, visibility, at operational readiness ng mga pulis, partikular na sa pagtugon sa mga emergency cases at pagpapanatili ng seguridad sa loob ng Puerto Princesa.