Sumabak sa Visit, Board, Search, and Seizure sa karagatan ng Balabac Palawan, ang Coast Guard Special Operations Group Palawan at 65th Force Philippine Navy, kasama ang US forces.
Ang operasyon ay bahagi ng Maritime Aviation Support Activity 2025 o MASA 25, isang malaking pagsasanay kasama ang Philippine Marine Corps at U.S. Marine Corps Forces Pacific para patibayin ang depensa at seguridad sa dagat.
Pinamunuan ito ng Coast Guard Special Operations Group Palawan at 65th Force Recon Group PN(M), layong panatilihin ang kaayusan at pigilan ang anumang banta ng kalabang puwersa sa paligid ng Balabac Island.
l via Romeo Luzares