Joel Contrivida
Ang mahina o walang koneksyon sa internet, at pruweba sa legal na papeles ng mga miyembro ang mga pangunahing isyu o suliranin ng Philhealth Office sa lalawigan ng Palawan, ayon ito mismo kay PhD Chief Social Insurance Officer Wilfred G. Hernandez.
Partikular na sinabi ni Hernandez ang bayan ng Rizal, dahil hirap sila mag update ng data base ng mga miyembro nila doon, bunsod ng wala o mahinang internet connection. Pangalawa sa mga challenges ng tanggapan nila sa lalawigan ang kakulangan ng legal na dokumento o papeles para sa mga katutubong nagpapa-member sa Philhealth, ito rin anya ang problema nila sa ibat ibang ahensya pa ng pamahalaan na hirap sa mga dokumento ng mga kasapi mula sa mga tribu.
Sa Palawan, nasa higit 1 milyon na ang Philhealth member sa kasalukuyan.